Ngayong nasa ilalim na ng Ubuntu Forums ang Forum ng Philippine Team, nais kong linawin kung anong mga paksa ang maaring talakayin at kung ano naman ang "offtopic."
Naniniwala ako na maari ditong magtanong ng technical support questions at mga bagay na konektado sa pagpapalaganap ng FOSS sa ating bansa. Maari din po bang gamitin ang subforum na ito bilang isang parang "Community Cafe" ng mga Pilipino kung saan ang mga talakayang walang koneksyon sa FOSS ay maaring talakayin basta ay sumusunod sa Ubuntu Code of Conduct?
Nais ko po mabigyan ng linaw ang gamit ng forum na ito dito sa thread na ito nang maging klaro din sa mga ibang miyembro kung ano ang maari nilang i-post at hindi.
Bookmarks