Results 1 to 7 of 7

Thread: Linux OS - Pinoy Brand

  1. #1
    Join Date
    May 2008
    Beans
    214
    Distro
    Lubuntu

    Linux OS - Pinoy Brand

    Naghahanap ako ng mga linux distro na gawa ng kababayan natin. Nakita ko ang Bayanihan at KahelOS at gusto ko lang malaman kung meron pang iba. Mas gusto kong suportahan ang kababayan kaya ako nagtatanong.

    Sinubukan ko ang KahelOS pero walang forum support para makapag-tanong ako sa problema. Sa kasalukuyan, gamit ko ang Lubuntu 13.10, Crunchbang Waldorf at FatDog64 "a puppy linux derivative". Problema ko sa KahelOS, hindi ko mai-setup ang 3 monitor/2 gpu desktop setup ko. Kailangang-kailangan ko ito sa trabaho.

    KahelOS - pagaaralan ko pa din. Alam ko based sa Arch Linux ito. Mas gusto ko based sa Debian pero hindi problema ito. Puwedeng matutunan.
    Bayanihan - hindi ko pa nasubukan at hindi ko din mahanap sa site kung saan based ang distro.

    Kung tatanungin ako, mas gusto ko ang Debian based, kaya sa ngayon paburito ko ang "#! Crunchbang". Very stable at walang problema sa support. Arch is also stable, kaya hindi ako susuko sa KahelOS. Slackware based distro ay maganda din so hopefully, kung meron ibang pinoy linux, based sana sa isa sa tatlong ito.

    Salamat.

  2. #2
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    /root
    Beans
    Hidden!
    Distro
    Ubuntu 16.04 Xenial Xerus

    Re: Linux OS - Pinoy Brand

    Quote Originally Posted by jp734 View Post
    ...gusto ko lang malaman kung meron pang iba.
    http://distrowatch.com/search.php?os...All&status=All

    Apat lang pagpipilian mo. Pretty much dead projects if you ask me. You're better off choosing one of the more mainstream distros kung ang hanap mo ay active support.
    Last edited by Pinoy Tux; April 15th, 2014 at 01:51 PM.
    Give a man a ghoti, and he'll eat for a day. Teach him how to ghoti, and he'll eat for life.

  3. #3
    Join Date
    Nov 2009
    Location
    Manila, Philippines
    Beans
    Hidden!
    Distro
    Ubuntu Development Release

    Re: Linux OS - Pinoy Brand

    Hi jp3734,

    Have you read the Benefits of using KahelOS?.

    Try to get in touch with KahelOS Linux on Facebook
    I'm sure they will happy to help you. Kung ako ang tatanungin KahelOS na ang pinakamaganda na gawa sa atin, di lang sa dahil sa OS dahil din sa mga taong nasalikod nito.

  4. #4
    Join Date
    Sep 2013
    Beans
    10
    Distro
    Ubuntu 14.04 Trusty Tahr

    Re: Linux OS - Pinoy Brand

    Quote Originally Posted by jp734 View Post
    Naghahanap ako ng mga linux distro na gawa ng kababayan natin. Nakita ko ang Bayanihan at KahelOS at gusto ko lang malaman kung meron pang iba. Mas gusto kong suportahan ang kababayan kaya ako nagtatanong.
    Why not stick with Ubuntu? We can all benefit using any linux distro...in your part, mas magiging madali if you ever bump into problem.

    Tried Bayanihan Linux ages ago but did not find it interesting enough...not like the feeling I felt when I installed Ubuntu.

  5. #5
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    Lungsod Pasig, Pilipinas
    Beans
    1,128
    Distro
    Ubuntu 14.04 Trusty Tahr

    Re: Linux OS - Pinoy Brand

    Quote Originally Posted by jp734 View Post
    Naghahanap ako ng mga linux distro na gawa ng kababayan natin. Nakita ko ang Bayanihan at KahelOS at gusto ko lang malaman kung meron pang iba. Mas gusto kong suportahan ang kababayan kaya ako nagtatanong.
    Sa mundo ng Open Source na ginagalawan natin, hindi maganda ang ganiyang pag-iisip. Ang tawag diyan ay “Not Invented Here Syndrome”. Hindi naman siya masama pero kahit dito lang sa post mo, makikita mo na kung bakit hindi siya maganda.

    Gusto mong suportahan ang KahelOS dahil Pinoy ang gumawa. Alam mong Arch Linux ang basehan ng KahelOS. Kung walang forum support ang KahelOS, saan pa kaya puwedeng pumunta para maghanap ng support? Siguro sa Arch Linux forums— o puwede din dito sa UbuntuForums, kung may nakakalam sa Arch/KahelOS (subukan mo sa Other OSes sub-forum).

    See? Mauuwi at mauuwi ka din sa gawa o tulong ng mga hindi natin kababayan.
    I am a Man of Truth. I am a Free Human Person. I am a Peacemaker.
    ** Independent Multimedia Artist in Pasig **

  6. #6
    Join Date
    Jul 2007
    Beans
    1

    Re: Linux OS - Pinoy Brand

    May iba pang pinoy-made linux gaya nung bayanihan pero mukhang di updated at marami akong naexperience na incompatibilities sa maraming gamit.
    so far ang nasubukan kong pinakamaainam sa 9 na taon ko sa paggamit ng linux ay ang Ubuntu Studio 14 LTS na gamit ko ngayon. 64bit at kung support sa multiple monitors ay mainam ang compatibility niya. Debian based talaga ang pinakapanalo sa lahat kung tutuusin. Nagustuhan ko ang Ubuntu Studio dahil sa design at sa bilis ng performance. Nasubok ko na rin ang Mint at iba pang maraming distros pero so far dito ako sa Ubuntu Studio nakasumpong na pinakamaraming compatibily lalo na pa at mahilig ako sa audio / video application at nagpoprogram ako ng MIDI, nagvivideo edit at photo edit din.

    Sana nga mag-update nila ang mga pinoy linux pero kung hindi rin lang kasing tatag at kasing inam ng iba ay bababa lang ang popularidad hanggang sa mabaon sa limot, at sa huli ay ma-discontinue lang. Magsanib pwersa sana lahat ng mga batikan sa programming para sumulong pa ang mga PinoyLinux. Samantalang wala pa yun ay dito muna ako sa Ubuntu Studio dahil so far dito ako pinaka-kaunting sakit ulo na inabot sa loob ng 9 na taon sa mundo ng Linux.

    Swerte kapatid.

    John Dale Cruise

  7. #7
    Join Date
    May 2015
    Beans
    2

    Re: Linux OS - Pinoy Brand

    pag ka alala ko yung dad ko nagagandahan siya sa bayanihan os at nakainstall pa sa desktop niya i dont know for what reasons

Bookmarks

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •