PDA

View Full Version : My Lecture on How to Use Ubuntu for Speech Class



wersdaluv
March 8th, 2008, 03:56 AM
Sa speech class namin sa La Salle, kailangan naming maglecture tungkol sa isang bagay na malamang ay hindi alam ng klase. Binigyan kami ng walong minuto para magturo. Ang pinili kong topic ay "How to Use Ubuntu."

Importanteng parte ng grade ang visual aids. Plano ko gamitin ang laptop ng school at paandarin ang Live CD ng Gutsy doon. Ikakabit ito sa projector kaya isa ko pang problema ay kung gagana kaya ang projector pag sinaksak sa laptop na umaandar sa Gutsy Live CD. Syempre, isang problema rin ay kung gagana nang maayos ang Live CD sa laptop ng school. Kumusta ang out of the box compatibility ng Ubuntu sa mga projector?

Inisip kong dalhin na lang ang laptop ko kaso mas nakakatuwa sana kung Live CD ang paandarin ko sa computer ng school dahil baka mamangha sila sa pagandar ng Ubuntu kahit hindi nakainstall. Isa pa, hindi kaya ng laptop ko magpaandar ng Compiz dahil masyadong mababa ang specs video card at mukhang mas maganda ang video card ng mga laptop sa school. Ano kaya ang maari kong gawin?

Ano ang mapapayo ninyo?

:KS

ragadanga63
March 8th, 2008, 05:44 AM
Pag ATI ang Video Card sa laptop sa school mo, you might be able to run some Compiz effects using the Live CD. I haven't heard of anyone able to run Compiz by Live CD on an Nvidia card.


I've used Ubuntu on at least three different LCD projectors and so far it has all been plug-n-play. Otherwise, you may set the projector resolution by clicking:
System>Administration>Screens and Graphics.

You may also try Granular Linux. It has 4 different DE's (KDE, XFCE, Looking Glass, Fluxbox -not sure if it was Fluxbox) and Compiz works including the cube(Video cards tried on: ATI 1050 and NVidia 6xxx).

Best way to make sure things will go smoothly is to make a dry run.

loell
March 8th, 2008, 06:07 AM
kung walong minuto lang, yung laptop mo na lang ang gamitin mo :)

since you'll be needing an internet connection to download nvidia or ati driver para mapaandar mo ang compiz. plus the time to download pa, not mentioning the boot time of the livecd dun kakainin ang oras nanakalaan sana sa short intro lecture mo. ;)

wersdaluv
March 8th, 2008, 03:48 PM
Salamat sa inyo. Sa palagay ko, maganda na nga atang sariling laptop ko na lang. Para di mabulilyaso, bago ang araw ng lecture ko, subukan ko muna kung gumagana sa LCD projector 'to. :)

pmcastillo
March 9th, 2008, 02:31 PM
Yah, tapos pakita mo yung "Cube Effect".... mapapa-WOW! sila nun...


:lolflag:

perbiu
March 10th, 2008, 02:57 AM
Aero killer talaga yung cube na yon, pag may nakakakita na ginagamit ko yoon ay nagiging interisado sila, at saka yung Matrix.