PDA

View Full Version : Guys tangkilikin natin ang Bayanihan!!



MSC5-28
November 29th, 2007, 01:18 AM
Guys ask ko lang hah pasensya na sa ubuntu.. eh diba mga Pinoy tayo at meron din tayong sariling software na libre yon bang Bayanihan bakit di natin gamitin yon kahit KDE version sya, malay natin gumanda katulad ng sa Ubuntu..... Pesansya na po........ Need ko lang yong comments nyo........ Curious lang po ako sa software natin eh..... Thanks Po....:(

loell
November 29th, 2007, 02:44 AM
you should try bayanihan then you decide :)

MSC5-28
November 29th, 2007, 02:50 AM
try ko na kaya...... KDE nga lng kc pero para din sa atin yun... Tangkilikin din naman din yong sariling atin.. tama ba?

loell
November 29th, 2007, 03:07 AM
na try mo na pala , eh di gamitin mo na as a primary OS. ;)

marami pang dapat gawin ang DOST at bayanihan team, para atleast maging usable ang bayanihan.

hmm, change natin ang thread title ha? to reflect the topic.

kopinux
November 29th, 2007, 03:24 AM
okay naman yung bayanihan wala rin pinagkaiba sa ibang distro, kaso wala silang software sources, 3rd party softwares, pag ginamit mo yung sa debian medyo buggy (nasira dati yung sa aking nung ginamit ko yung repositories ng debian).

ang maganda sana kung yung bayanihan ay binase nalang sa ubuntu kesa sa debian parang yung mepis dati, linspire at greenos(gos). e di wala sanang problema. pati yung forums nila pangit, sinayang nila. hindi ka nga makapag join e.

MSC5-28
November 29th, 2007, 03:27 AM
ah Salamat po sa comments nyo... Try to search nlng nga sa ubuntu... pero nakaka enjoy talaga.... exited na nga ako sa next version eh...... tagal pa.... hehehe

Samhain13
November 29th, 2007, 03:47 AM
Ganda nga sana kung may Ubuntu Bayanihan Edition. :D

Gusto ko din noon subukan yung Bayanihan kaso nung nagsasaliksik ako ang hirap kumuha ng impormasyon. May site na para sa Bayanihan pero hindi ko naman ma-access kaya hindi na lang ako nagtuloy.

Naka-Windows pa ako noon, mga early-2006 yata. Pero nagpatuloy ako sa pananaliksik kaya napunta ako sa Ubuntu.

kopinux
November 29th, 2007, 03:54 AM
nakuha na talaga dati ng bayanihan yung momentum sep2006 kainitan ng raid sa mga internet cafe, kaso sinayang nila, laging down yung server nila at forums kaya nagalisan mga tao. kung nangailangan sila ng donasyon ay pwede naman sila humingi, kaso ang nangyari parang past time lang nila yung bayanihan.

ngayon hindi ko lang alam kung kaya pa mag compete ng bayanihan4 sa ubuntu, masyadong marami na pwede gamitin na software sa ubuntu, yung cinerrela nga isang type nalang maiinstall na. ang pagasa nalang ng bayanihan mag join forces sila ng ubuntu, yun na nga Bayanihantu version. Bayantu o Bayanitu version.

tapos gawa sila ng local distribution parang shipit kaso locally lang, gamitin nila yung nakumpiska ng OMB na replicating machines para makamura muwahahaha.

ragadanga63
November 29th, 2007, 04:24 AM
...ngayon hindi ko lang alam kung kaya pa mag compete ng bayanihan4 sa ubuntu, masyadong marami na pwede gamitin na software sa ubuntu, yung cinerrela nga isang type nalang maiinstall na. ang pagasa nalang ng bayanihan mag join forces sila ng ubuntu, yun na nga Bayanihantu version. Bayantu o Bayanitu version.

tapos gawa sila ng local distribution parang shipit kaso locally lang, gamitin nila yung nakumpiska ng OMB na replicating machines para makamura muwahahaha.

Hahaha...good idea...napahanga mo ako doon tol.

Nasubukan ko na rin ang Bayanihan pero sakit lang sa ulo ang sinapit ko. Maganda nga ibase na lang sa Ubuntu ang Bayanihan para may access sila sa Ubuntu repositories.

O di kaya'y magbubuklod-bukluran tayo at gumawa ng Filipinized Ubuntu, yong nahihiyang sa pangangailangan ng Pinoy. I remember using Hacao Linux- a Linux Puppy-based created by a Vietnamese. Maganda ang pagkagawa at halos nandoon lahat ang kailangan sa net cafe rental except games of course.

Eh if a Vietnamese can do it, seguro mas kaya din natin yon.

ichi_730
November 29th, 2007, 08:25 AM
Mga brad.. kung atin naman pong pagaaralan hindi naman nagiisa ang DOST na nagdedevelop ng Bayanihan may iba pang mga web developers na nagdedevelop ng linux dito sa ating bansa.. kaya hindi naman natin kailangang umasa na lamang sa kakalabasan ng Bayanihan.. Hindi rin natin masasabi na permanente na ang ubuntu darating din ang panahon na may ibang linux Os din tayong tatangkilikin... at MARAMING LINUX OS hehehe kami dito sa Open Source College gumagamit kami ng bayanihan it started last june.. and bago mag midterms nagswitch kami sa 7.04 and then finally sa 7.10 Gutsy..:)

Samhain13
November 29th, 2007, 12:28 PM
May chismis akong nasagap noong unang-panahon. Tila yata hindi welcome ang bagong developers sa closely-knit team ng Bayanihan? Nakalimutan ko lang kung saang forum ko yung nasagap pero ako rin yata ang nagtanong dahil nga bagsak yung site ng Bayanihan.

Anyway, chismis lang naman. Pero sana nga mas madami sanang developers ang mahikayat na tumulong para sa pagsulong ng Bayanihan para masubukan naman. Iba pa rin siyempre ang sariling atin. :)

wilvyrux
November 29th, 2007, 07:42 PM
for me bayanihan hindi pa sya talaga perfect...dami pa bugs..sometimes lumalabas nlang sya ng kusa sa command line...minsan nman yung taskbar nya bumabalik sa skin ng red hat...hehehe2...prang ganun..

dami bugs..Hindi k trip ang KDE desktop masmaganda pa yung simple desktop like GNOME ..kaya perfect na ang ubuntu dsktop for me...wait q pa ibang versions...hehehe2....:confused:

kopinux
November 30th, 2007, 03:05 AM
kaya nga malabo pa talaga yung bayanihan sa ngayon, kahit nga yung CICT ay edubuntu ang ginagamit nila sa deployment sa iSchools at eSkwela.

elite_angel
November 30th, 2007, 04:28 AM
BAYANIHAN LINUX...

Bayanihan Linux is good. But Ubuntu is better... We should have to push Bayanihan to be recoded, and be aligned to the best OS model, the Ubuntu, it has a lot of support from different developers. It also has updates, unlike Bayanihan Linux (sad to say).

Bayanihan 3.1 (BLTCM) is advisable for schools, specially when it comes to administration.

For future, I think the Government should take place and do something for Bayanihan Linux. Its last version as of this day is the Bayanihan Linux 4, which is Debian base now. Better than 3.1, but needs to be improved...


Conclusion:

Bayanihan Linux should be aligned to Ubuntu...

Updates
Compiz Fuzion
Office
Applications
etc.




NCC-United Kingdom International Advanced Diploma #245842
Linux Registered User #437451
Senior DeMOLAY - PJC , PSC

"Ang mundo ay libro, iisang pahina lamang ang nakikita ng mga hindi naglalakbay"


---==_d@rk_@ngel_==---

ociugi
November 30th, 2007, 05:31 AM
maraming problem kung bakit kakaunti ang mga pinoy na gumagamit ng bayanihan linux.

unang una ang support. may bayahinan forum nga pero yung mga admin bihira mag log in, at kung may mag reply man sa problem aabutin ng syam syam.

pangalawa, kulang sa campaign at kulang din sa support ng govenment natin, kung meron man pulitika parin. malaki ang maitutulong ng government natin kung fully support sila sa Open Source at kung may campaign sila sa mga government and private schools nation wide .(may suhol kasi ang mga big companies sa government natin para bilin at maibente ang mga softwares nila. korakot!!!).

pangatlo, mostly maraming hindi nakaka alam na may existing ng bayanihan linux. dahil hindi naipapakilala sa karamihan (back to second problem).

pang apat, at marami pang iba. etc.

daxumaming
December 1st, 2007, 08:48 AM
I've tried bayanihan, pero I'm not really impressed. Tama kayo, dami pa ring bugs. Pero I'm still hopeful especially now na nag-Debian sila.. but something's really preventing me from contributing to Bayanihan e.... ung focus nila wala sa distro and community.

Distro
- antagal bago maayos ung mga Bayanihan-specific bugs
- pag me updates sa Debian, tska lang magkaka-updates ang Bayanihan
- interface needs a lot more polishing
- older apps doesn't mean that it's stable for Bayanihan

Community
- composed of only a handful of people
- replies sa forum posts usually takes days
- no CoC... some won't hesitate to shout RTFM
- no activity on their IRC channel and mailing list

As for the Bayanihan team themselves, only a few really interacts with the community - like Rage. Most are too engrossed with their own projects.

What will make me leave Ubuntu for Bayanihan?
- adopt a Social Contract or Code of Conduct
- base their distro on Ubuntu
- more upstream activity
- more activity on IRC, Mailing List, and Forums
- and promote transparency on the development of their distro (so far, walang updates and they don't usually allow an outsider any say on what goes in and what gets rejected on their distro)

kopinux
December 2nd, 2007, 01:56 AM
sabi ko nga parang pastime lang nila yun, yung bug ko dun yung bigla nalang mag lologoff sa terminal, at nawala rin yung logo main menu ng bayanihan, hindi ko alam kung paano ibalik.

mitchi
December 2nd, 2007, 03:31 AM
dami bugs..Hindi k trip ang KDE desktop masmaganda pa yung simple desktop like GNOME ..kaya perfect na ang ubuntu dsktop for me...wait q pa ibang versions...hehehe2....:confused:

oo nga, mukha kasi M$ Windows ang KDE, unlike GNOME, mas astig sa paningin. Mas ok din para sa akin kung magkaroon ng option for Bayanihan about KDE and GNOME, parang sa Ubuntu na may KUbuntu, Ubuntu, XUbuntu, etc.

Siguro bumubwelo palang ang Bayanihan. I hope marating din nya kung nasan na ang Ubuntu ngayon(which is rated to be the best desktop OS).

loell
December 2nd, 2007, 03:37 AM
Siguro bumubwelo palang ang Bayanihan.

ewan ko kung naghahanap pa yan nang bwelo, mas matagal na silang nandyan kay sa ubuntu o kahit nung mepis pa nung araw.

Jucato
December 5th, 2007, 08:27 AM
Sinubukan ko na minsan ang Bayanihan Linux 4. Nagustuhan ko ang ilang bahagi nito, pero medyo hindi naging maganda ang kabuuan.

Simple lang ang installation. Gumagamit sila ng simplified Anaconda installer (medyo weird kasi Anaconda is Red Hat-based, samantalang Bayanihan 4 is Debian-based. Siguro leftover nung RH-based pa sila).

I like their artwork best of all. :D

And it's KDE, so it's certainly a plus for me.

Pero hanggang dun lang nagustuhan ko. Medyo feeling ko parang tagpi-tagpi ang BL4. Parang mga pinagsama-sama lang pira-pirasong software para makabuo ng distro. Isa pa, very dated ang packages nila. It's based on Debian Sarge pa nga ata eh. And since wala pa akong masyadong karanasan noon sa pure Debian, parang nakaka-intimidate mag update to a more recent Debian repository. Ang pinakanakakatawa sigurong experience ko sa BL4 ay yung NVIDIA driver. Pag sinunod ko yung instructions to install the nvidia-glx driver, it will install the driver, but will uninstall X server... so may driver ka nga, wala ka naman X. :D

Anyway, I might try Bayanihan again in a few weeks, after I make a run through of other distros on my laptop. Sana may updates na. Unfortunately medyo naguguluhan ako as to what their goal really is for Bayanihan, whether just for stable use in government or for wide-acceptance among Filipinos. I'm also not sure on how much they are community-oriented/aware. I mean, do they just do the development amongst themselves, while the rest of the community just stand by? Without a doubt, they have the developers, but we (Ubuntu-PH people) have the numbers when it comes to users.

It would be interesting to see what role a local or localized distro will have in our country in the (near) future. :)

Hanamichi Sakuragi
December 5th, 2007, 08:45 AM
Ang ubuntu kasi may sponsor kaya hempre karamihan ng developers nila eh sisipagin :lolflag:. Ako nga gusto ko try eh kaso naman laging sira ang link nila dati. Kaya nagsawa na me...Tapos year ago ba?? or so ang latest na release. Di naman sa ayaw ko kaso nga lang eh baguhan pa lang me sa linux world :) kaya yung sikat muna ang try ko. So far naman ang KDE na nagustuhan ko eh pclinux kaso mas okay pa rin ang GDE sa akin lang ha....

kopinux
December 5th, 2007, 03:52 PM
parang komedy itong topic na ito.

pero hindi naman masama kung mag distro hopping yung bayanihan tutal ginawa na rin nila redhat>debian, pati yung mepis ginawa na rin, pati yung linspire debian>ubuntu kaya hindi pa huli para sa bayanihan, tapos mag concentrate nalang sila sa desktop theme, graphics, oo nga localization at ports ng mga software na ginagamit ng mga LGUs.

kopinux
December 6th, 2007, 11:47 AM
pero naisip ko lang, "sino ba yan?"
bakit kailangan natin problemahin ang bayanihan na yan? yan ba ang official linux distro ng pilipinas? hindi naman pinag botohan yan a. e bakit sila sila lang ang gumagawa, wala man lang participation sa community.

kung pinoy made lang may lorma linux at amaOS naman, e kung gamitin natin yung tagalog language na ubuntu? counted naman yun.

hindi ba kasi nakakailang pag sinabing bayanihan, parang ang lumalabas pressured ka pansinin yon kung hinde hindi ka nationalistic. pero ang lumalabas parang ang bayanihan linux ay isa lang sa daan daang mga distro. pero nalang kung pinopondohan yan ng gobyerno natin, pero mukang hindi naman.

loell
December 6th, 2007, 12:29 PM
ouch!! your so mean :lolflag:

nagtaka din ako nang konte , kung bakit naging defacto distro ang bayanihan dito sa pinas.

I also wonder what happened to them after they met after they met Mark back in 2005? I thought they were inspired, but then again maybe they are thinking of other things.

attach is the pic of BL team with mark shuttleworth.

raxso
December 7th, 2007, 05:10 AM
FYI,

Bayanihan Linux is a project of the Government (Advanced Science and Technology Institute) and The project is currently being funded by Technological Innovation Commercialization Program (TECHNICOM) of Department of Science and Technology (DOST).

I am a member of their forum and the support that you get is not as comprehensive as you get from ubuntu. But i think this distro has a lot of potential if the community will support and the developers will be more open to the suggestion of the community.