PDA

View Full Version : Tamang pananalita



Surgeon General
November 16th, 2007, 11:13 AM
Mga kabayan! Kaunting kahilingan lang para sa mga sanay mag-text. Kung maaari lang isulat ng buo ang mga salita at huwag gumamit ng short cut gaya ng sa texting. Unang-una, full-size keyboard gamit nating lahat at madali mag-type kumpara sa keypad ng telepono, pangalawa mahirap na mag-isip ng solusyon para sa problema natin sa linux huwag na dagdagan pa na mahirap basahin ang mga salita.

umbrella friend lang.

ichi_730
November 19th, 2007, 03:35 AM
Well thats the influence of having a cellphone for almost a year.. nagiging short ang lahat ng words... Thanks sa usefull na comment..

Samhain13
November 19th, 2007, 03:42 PM
Sang-ayon ako sa panukala ni Surgeon General. Hindi naman mahirap buohin ang ating mga salita at full keyboard nga naman ang gamit natin. Magsanay tayo sa tamang paggamit ng wika, wala naman mawawala. :)