Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 14

Thread: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

  1. #1
    Join Date
    Oct 2008
    Location
    philippines
    Beans
    618
    Distro
    Ubuntu 12.04 Precise Pangolin

    MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    ...payag ba kayong tawaging mga 'ningas kugon' !

  2. #2
    Join Date
    Oct 2008
    Location
    philippines
    Beans
    618
    Distro
    Ubuntu 12.04 Precise Pangolin

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    ...mas malamang sa malamang,madami lang tayong tungkuling ginagampanan at nagkakasabay ang mga ito. kung kayat nagmumukhang napapabayaan natin ang isa o dalawa, sa mga yun. sa tuwing dadalaw ako sa pahinang ito, waring wala masyadong nagtatanong o sumasangguni. subalit nakikita ko ring maraming dumadalaw o nagmamasid dito.isang katunayan na nagpapasigla sa pagiging ubuntu user ko. marahil sadyang matyagang manaliksik pansarili ang mga pinoy bago magtanong, at madalas natutuklasan na ang kasagutan, kung kayat hindi na nagtatanong...
    at lumalagi na lamang sa paligid na naka handang sagutin sa abot ng makakaya, sakaling mayroong mangailangan ng alalay.

    paumanhin kung...iba ang dating ng pagtatanong ko....sana'y tama ang basa ko sa ting mga pinoy...

  3. #3
    Join Date
    Jan 2011
    Beans
    11

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    Hindi naman siguro. Masyado lang siguro open yung Ubuntu kaya hindi na kelangan gumawa ng thread para magtanong. May solusyon na sa internet. Ang hindi ko lang alam eh kung pano magiging active ang mga Ubuntu users dito.

  4. #4
    Join Date
    Sep 2013
    Beans
    13
    Distro
    Ubuntu 12.04 Precise Pangolin

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    sana di ako maisama sa mga ningas kugon sa ubuntu community kakainstall ko lang po kasi kagabi, @ talagang di ko alam kung ano gagawin ko sa OS na to - Knowing na hindi sya pang gamer enthusiast na nakasanayan nating lahat sa windows. Pero sana magamit ko to sa trabaho. :salute: pinoy user

  5. #5
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    /root
    Beans
    Hidden!
    Distro
    Ubuntu 12.04 Precise Pangolin

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    Quote Originally Posted by JuanLuna View Post
    Knowing na hindi sya pang gamer...
    Hindi na po totoo yan. Dumadami na ang mga mainstream games na nag-susupport sa platform na ito.
    Give a man a ghoti, and he'll eat for a day. Teach him how to ghoti, and he'll eat for life.

  6. #6
    Join Date
    Nov 2009
    Location
    Manila, Philippines
    Beans
    Hidden!
    Distro
    Ubuntu Development Release

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    Quote Originally Posted by byStanderone View Post
    ...mas malamang sa malamang,madami lang tayong tungkuling ginagampanan at nagkakasabay ang mga ito. kung kayat nagmumukhang napapabayaan natin ang isa o dalawa, sa mga yun. sa tuwing dadalaw ako sa pahinang ito, waring wala masyadong nagtatanong o sumasangguni. subalit nakikita ko ring maraming dumadalaw o nagmamasid dito.isang katunayan na nagpapasigla sa pagiging ubuntu user ko. marahil sadyang matyagang manaliksik pansarili ang mga pinoy bago magtanong, at madalas natutuklasan na ang kasagutan, kung kayat hindi na nagtatanong...
    at lumalagi na lamang sa paligid na naka handang sagutin sa abot ng makakaya, sakaling mayroong mangailangan ng alalay.

    paumanhin kung...iba ang dating ng pagtatanong ko....sana'y tama ang basa ko sa ting mga pinoy...

    Di naman siguro dapat may bagong post dito sa forum para masabi mong aktib tayo.
    Wala na nga sigurong gaanong sumasali sa forums, dahil open na ang ubuntu sabi nga ni XwyhyX.
    Isang google mo nalang maraming solusyon na mahahagilap, yung iba ay marami na sigurong online accounts kaya di na nakakasali sa forum o kaya't nagmamasid nalang. Ayos noong gumawa si pinoyskull ng group sa FB more convenient sa tao makakapagpost ka na kaagad habang nag-ffb socials ka. hehe (kasali ka na ba dun? kakapost ko lang ngayon dun.)


    Kung sa pag-organize ng mga events e dumadepende yan sa panahon at pagkakataon, kasama na ang volunteer o mag-oorganize. Tulad nga ng nabanggit mo isipin nalang natin na madami lang tayong tungkuling ginagampanan at nagkakasabay ang mga ito, o limitado ang free time natin para dito. kung wala oks lang na wala, kung meron e di mas kay ganda.

  7. #7
    Join Date
    Nov 2009
    Location
    Manila, Philippines
    Beans
    Hidden!
    Distro
    Ubuntu Development Release

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    Quote Originally Posted by JuanLuna View Post
    sana di ako maisama sa mga ningas kugon sa ubuntu community kakainstall ko lang po kasi kagabi, @ talagang di ko alam kung ano gagawin ko sa OS na to - Knowing na hindi sya pang gamer enthusiast na nakasanayan nating lahat sa windows. Pero sana magamit ko to sa trabaho. :salute: pinoy user
    Bakit OS gamit ko?. It's Free/OSS, Linux for Human being- napakadaling gamitin, gamit ko sa trabaho, marami akong natututunan sa araw-araw na paggamit nito. Ilan lang yan sa mga sagot ko. Iba't ibang tao, iba't ibang hilig-- iba't ibang tanong iba't ibang sagot. sana mahanap mo rin ang mga kasagutan sa tanong mo

  8. #8
    Join Date
    Oct 2007
    Location
    Taguig City, Philippines
    Beans
    164
    Distro
    Ubuntu

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    I've been using thread since 2007 at na stop ako magbrowse nung nagkaron ako ng chance magkawork sa isang bpo nito lang 2011. Hindi ako naniniwalang ningas kugon ang mga UBUNTUTERO. May mga kanya kanya lang siguro tayong prayoridad sa buhay na kailangang unahin. Nakakamiss padin ang mga hiwaga ng ubuntu OS. One of the best Free operating system na ginagamit namin dati sa Open source college.. Proud to be UBUNTUTERO.
    OpenSource
    "Learning Without Barriers/ Technology Without borders"
    Happiness is like a warm puppy
    Registered Linux User #506790

  9. #9
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    Lungsod Pasig, Pilipinas
    Beans
    1,128
    Distro
    Ubuntu 14.04 Trusty Tahr

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    Naglipana na kasi ang mga tao sa Facebook. Pero mukhang magbabalik ako dito sa forum na ito, kahit trip-trip lang. Naisip-isip ko lang na napaka walang kuwenta ng Facebook Groups (kung saan napunta ang madaming nagpopost dati dito). Masyadong mabilis ang “turn over” ng mga usapan. Ilang oras lang, kung malasin kang madaming spammer sa grupo, laglag na ang thread mo. Ang masama pa, hindi din masyadong naaatupag ng mga admin yun mga grupo nila, kaya hindi nabubura ang mga post na hindi katanggap-tanggap. Pero may mas masama pa doon, dati may nakita na din ako na hindi tinatanggal ng admin ang mga spam post kasi tropa pala niya yung nagpost.

    Babalik na lang ako dito (at sa iba pang mga Internet forum na iniwan ko na dati) kasi mas maganda ang pag-organisa sa mga usapan. At kung magkataon na may magspam, may mga moderator (kahit yung hindi lokal) din na matatawagan ng pansin.
    I am a Man of Truth. I am a Free Human Person. I am a Peacemaker.
    ** Independent Multimedia Artist in Pasig **

  10. #10
    Join Date
    Oct 2008
    Location
    Philippines
    Beans
    1,195
    Distro
    Ubuntu 14.04 Trusty Tahr

    Re: MGA NINGAS KUGON...payag ba kayo?

    Sa totoo lang, mas masaya dito... Kaya tara! Balik Ubuntu Forums tayo!
    advocating Free and Open Source Software, supporting the Open Web
    fight for your right to party and get your free cloud storage now

Page 1 of 2 12 LastLast

Bookmarks

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •