View Full Version : Bakit po Linux ang pinili nyo?
nerdtron
April 27th, 2010, 11:46 PM
Bakit po Linux ang pinili nyonng OS para sa computer nyo?
And pano nyo po nadiscover ang Ubuntu?
What pushed you to install Linux?
:p
reneorense
April 28th, 2010, 12:04 AM
About doon sa windows thing you were asking, I think you just answered your own question.. It's plain robbery 'dib ba? Anyways, Microsoft is just getting the treatments it deserves. I'm not against Windows naman...
The thing I chose Linux over other OS is its accessibility. I'm a person with disability, it's not my choice to be one, pero kasi kung bibili ako ng MS WIndows tapos Office tapos Assistive technology software that costs nth time both office and windows combined, I mean I will only not be a visually disabled, financially disabled din. And considering the life syle of other persons with disabilities, kung hindi may kaya, sobrang mahirap naman, so how will they afford MS offers? It's as if spending for their maintenance is not enough that they have to swallow the fact na they still need to obtain a copy or hide themselves online or offline just not to sued by MS for getting a pirated version.
Anyways, for me it's with the advocacy that I'm doing for persons with disabilities... And of course that's my choice...
8)
badrra
April 28th, 2010, 12:18 AM
Pabagal ng pabagal ang windows as you update it. Kabaligtaran ito sa Linux, as you update lalong mabilis o kaya namn di nag babago bilis nya.
Anong madalas i update sa windows? Puro security patches lang. Imagine nag install ka para lang mag download ng security ekek to protect your system and as you install them pabagal ng pabagal.
Mas mabilis ang streaming. I like watching movies online kasi wala akong cable and I dont need one kasi meron naman sa internet. That includes onlinve TV.
Mas madali i configure at kahit ano pwede mong gawin. Including windows manager, pwede mong palitan.
Wala akong anti-virus kasi di ko kelangan.
At marami pang iba
killer_d76
April 28th, 2010, 01:23 AM
ako nung una ang reason ko lang eh kasi ayaw ko ng Virus sa computer ko.. ngayon na notice ko na malaki ang difference ng M$ and Linux (I decided not to point out baka simulan lang ng gulo hehehe) nasa perception lang yan ng gumagamit and depende sa needs mo.. ako kasi purely for browsing and office work lang kaya Linux is the best bet for us to use! ;)
coolsonyeh
April 28th, 2010, 02:09 AM
the main reason i switched to Linux from M$ is yung update ng update na puro ka ekekan tapos puro error ang nangyayari. at sa dami ng update nila indi mo sya ma customize kse need talaga ng system mo yung update. up to date nga system mo kaso mas mabilis pang tumakbo ang pagong kesa sa processor mo. and naranasan ko nga mag update to SP2 tapos ayaw gumana ng net ko specially the browser yun pla indi pa stable yun SP2 pero sabi sa update important daw kaya yun reformat ako ulit di ba nakakainis!:lolflag:
Script Warlock
April 28th, 2010, 02:10 AM
bakit linux? libre kasi...:P
c00lwaterz
April 28th, 2010, 02:13 AM
maganda naman ang windows kaso mahal. ang linux free, and madaming opensource na software. simple pa sya and di mabigat sa system lalo na yung fav ko na gnome. hehe kaso ang prob ko lang is overheat/high temp. madaming fixes na ako na try, pero di pa din naayus. pero until now nag aabang pa din ako if meron new solution. tsaka syempre mas gusto mo yung legal diba. sa windows, magiging magnanakaw ka lang. eh meron naman free, why ka pa kuha ng piracy.
neehs
April 28th, 2010, 02:15 AM
ako nakita ko lang sya sa net, then i tried with 6.10 version. ok sa alright ang liveCD kaya i decide to install it on old workstation, biruin mo ang ganda pala. nag setup ako ng P4 HT 2GB ayun ang ganda, ginawa kong remote server dito sa trabaho at deploy ko sa windows environment, a$$saver talaga. nag installa ko ng ClamAV yung GUI version as ginagawa ko rin kasing File Server backup eto.
ang ganda talaga ng Linux, hindi ko ma explain ang iba.. A$$saver! ^_^ at free
loell
April 28th, 2010, 03:17 AM
wala lang.. ;)
pinoyskull
April 28th, 2010, 03:43 AM
dahil sa field ng work ko mas madali kung Linux ang gagamitin ko kesa sa Windows
dahil time consuming yung nag uupdate ng patches tapos RESTART
dahil may freedom ka sa Linux
dahil mabilis ang Linux kesa sa Windows
creek23
April 28th, 2010, 04:20 AM
bakit GNU/Linux? kasi makikita mo ang future ng Windows. bago pa nagka Windows 7, nakita mo na yung mga features na nasa Windows 7 sa Ubuntu+Compiz. :lolflag:
trend setter kung baga.
bagay sya sa mga kagaya kong walang pambili ng Mac. :P see: http://sourceforge.net/projects/mac4lin/ -- (eto desktop ko) (http://konsolscript.org/~mjmendoza/desktopko.png)
dmzamora
April 28th, 2010, 04:29 AM
Influence ng dating IT colleague from home. Now, I got curious, bumagal kasi ang PC not to mention reformat ng reformat sa MS.
And, the Laptop I got (last year) is bundled with Ubuntu 8.10.:KS
nerdtron
April 28th, 2010, 05:39 AM
wala lang.. ;)
trip mo lang?....ehehe
nerdtron
April 28th, 2010, 05:45 AM
....
bagay sya sa mga kagaya kong walang pambili ng Mac. :P see: http://sourceforge.net/projects/mac4lin/ -- (eto desktop ko) (http://konsolscript.org/~mjmendoza/desktopko.png)
mukhang maganda...matry nga
wersdaluv
April 28th, 2010, 06:09 AM
Marami kasi akong pangarap para sa computer ko. haha. Seryoso. Hindi ko magagawa 'yon pag closed ang platform. Sa Linux, basta kaya mong gawin, pwede.
pogztimz
April 28th, 2010, 08:18 AM
1. libre
2. stable
3. virus free = maintenance free
4. lahat ng software na kailangan ko andito na for free
5. excellent technical support
6. educational
7. astig mga gumagamit nito.. :P
8. gusto ko rin maging astig.
9. talagang ok na ok xa.
10. :guitar:
suxenexus
April 28th, 2010, 11:12 AM
1. libre
2. stable
3. virus free = maintenance free
4. lahat ng software na kailangan ko andito na for free
5. excellent technical support
6. educational
7. astig mga gumagamit nito.. :P
8. gusto ko rin maging astig.
9. talagang ok na ok xa.
10. :guitar:
Amen!
tykmo
April 28th, 2010, 11:51 AM
bumabata ang lumang kompyuter sa Linux.
saka libre :)
zilu54
April 28th, 2010, 09:37 PM
Hindi ku na uulitin yung mga iba pang sinabi nyu,
...Sagot sa kahirapan (lols~)
basta para sakin, bawas talaga sakit sa ulo sa mga lintik na viruses.
coolsonyeh
April 28th, 2010, 10:49 PM
1. libre
2. stable
3. virus free = maintenance free
4. lahat ng software na kailangan ko andito na for free
5. excellent technical support
6. educational
7. astig mga gumagamit nito.. :P
8. gusto ko rin maging astig.
9. talagang ok na ok xa.
10. :guitar:
amen again brother!
coolsonyeh
April 28th, 2010, 10:50 PM
1. libre
2. stable
3. virus free = maintenance free
4. lahat ng software na kailangan ko andito na for free
5. excellent technical support
6. educational
7. astig mga gumagamit nito.. :P
8. gusto ko rin maging astig.
9. talagang ok na ok xa.
10. :guitar:
amen to that brother!
Johnaray
April 28th, 2010, 11:12 PM
Trip trip lang hehehehe ;D ;D ;D
nerdtron
April 29th, 2010, 12:55 AM
Trip trip lang hehehehe ;D ;D ;D
hehehe...nakaka-amaze kasi isipin na pwede palang paandarin ang computer ng hindi gumagamit ng produkto mula sa MS. Kala ko kasi dati basta may computer, windows lang pwede. Pero meron palang cute na penguin na naghihintay lang para mapansin mo. :p
Samhain13
April 29th, 2010, 01:07 AM
Sa bansa natin, hindi maipagkakaila ang piracy (ouch! that hurts =( ) kaya madali lang naman makakuha ng copy ng ibang commercial OS.
Una, commercial OS din ang Linux (depende sa Distro), kadalasan nga lang ay hindi mo kailangang bilihin. Pero, puwede mo siyang gamitin sa "commerce" o sa negosyo/kalakalan kahit libre siya.
Hindi lahat ng Windows ay "commercial". Kunwari, bumili ka ng Windows na Home/Student licensed, hindi mo ito puwedeng gamitin kung meron kang Internet cafe (kasi hindi commercial ang license mo). Kung may nag-oopisina ka at ang gamit niyo ay Windows Home, hindi pa din tama yun kahit legal yung Home edition niyo. Tapos, kahit commercial ang license ng kumpaniya niyo, kung sobra naman ang computers na nilagyan niyo kaysa sa sinasabi sa license, yari pa din!
So, para sa akin na may maliit na negosyo, ang paggamit ng Linux ay mas simple kaysa sa Windows. Wala na akong licensing na inaalala kaya kung pumunta man yung mga anti-piracy people sa lugar ko, wala akong problema.
Madali lang makabili ng bagong win7 sa mga mall ng hindi nahuhuli ng mga pulis....
Kung tutuusin, mas madali pang mag-download ng Win7. Ni hindi mo na nga kailangang lumabas nang bahay at magpunta sa mall. Sa downloading, mas mahirap pang mahuli kasi hindi naman uso sa atin ang mga monitoring na ginagamit nila sa ibang bansa.
So, bakit Linux pa din ang ginagamit ko? Hehe, hindi ako marunong mag-install ng Windows. Ang balita ko, kahit may OS installer ka, kailangan mo pa din ng mga driver installers para sa hardware mo. At ang proseso, iba-iba depende sa hardware na gingamit mo.
Sa Ubuntu (yung iba kasing distro, hindi naman ganito), isalpak mo lang yung OS installer, click "install", tapos hintayin mo na lang matapos yung installation, gumawa ka ng user account, restart, tapos gamitin mo na.
I mean, if you choose win, "it just works" dba. What pushed you to install Linux, anyway?
Medyo misleading kasi tong "it just works" na to. Unang-una, ano bang pinapag-usapan natin na "it"? Kung apps na para sa Windows, chances are, gagana talaga yan sa Windows. Dito naman sa forum, karamihan ng mga sumasakit ang ulo ay yung mga may gustong magpagana ng Windows apps sa Ubuntu. Sa ganito, talagang mataas ang fail rate kasi yung apps, hindi naman ginawa para sa Linux.
Meron din naman "it just doesn't work" sa Windows. Sa experience ko, yung XP laging nalalaglag sa hidden wireless connection; yung Vista, hindi talaga siya maka-connect kung yung wireless network ay hidden. Ang sabi sa mga forum na pinuntahan ko, gawin na lang daw visible yung wireless network kasi wala naman talagang security na naibibigay ang hidden. Naiintindihan ko yun, pero bakit yung network setup ko ang kailangang magbigay dun sa OS, diba? Samantalang wala naman problema sa Linux at dun sa kaisa-isang Mac user na bumisita sa bahay.
Anyway, point is, bawat sistema ay may kaniya-kaniyang pagkukulang at kagandahan. May mga pagkukulang ang Ubuntu (o Linux in general), pero sa akin, yun ang mga alam kong ayusin. Yung mga pagkukulang ng Windows, hindi ko alam ayusin kaya hindi Windows ang ginagamit ko.
:D
nerdtron
April 29th, 2010, 01:19 AM
Una ...
:D
sapul ung mga points mo...*thumbs up*!
cge edit ko na ung orig post ko..
coolsonyeh
April 29th, 2010, 03:19 AM
Una, commercial OS din ang Linux (depende sa Distro), kadalasan nga lang ay hindi mo kailangang bilihin. Pero, puwede mo siyang gamitin sa "commerce" o sa negosyo/kalakalan kahit libre siya.
Hindi lahat ng Windows ay "commercial". Kunwari, bumili ka ng Windows na Home/Student licensed, hindi mo ito puwedeng gamitin kung meron kang Internet cafe (kasi hindi commercial ang license mo). Kung may nag-oopisina ka at ang gamit niyo ay Windows Home, hindi pa din tama yun kahit legal yung Home edition niyo. Tapos, kahit commercial ang license ng kumpaniya niyo, kung sobra naman ang computers na nilagyan niyo kaysa sa sinasabi sa license, yari pa din!
So, para sa akin na may maliit na negosyo, ang paggamit ng Linux ay mas simple kaysa sa Windows. Wala na akong licensing na inaalala kaya kung pumunta man yung mga anti-piracy people sa lugar ko, wala akong problema.
Kung tutuusin, mas madali pang mag-download ng Win7. Ni hindi mo na nga kailangang lumabas nang bahay at magpunta sa mall. Sa downloading, mas mahirap pang mahuli kasi hindi naman uso sa atin ang mga monitoring na ginagamit nila sa ibang bansa.
So, bakit Linux pa din ang ginagamit ko? Hehe, hindi ako marunong mag-install ng Windows. Ang balita ko, kahit may OS installer ka, kailangan mo pa din ng mga driver installers para sa hardware mo. At ang proseso, iba-iba depende sa hardware na gingamit mo.
Sa Ubuntu (yung iba kasing distro, hindi naman ganito), isalpak mo lang yung OS installer, click "install", tapos hintayin mo na lang matapos yung installation, gumawa ka ng user account, restart, tapos gamitin mo na.
Medyo misleading kasi tong "it just works" na to. Unang-una, ano bang pinapag-usapan natin na "it"? Kung apps na para sa Windows, chances are, gagana talaga yan sa Windows. Dito naman sa forum, karamihan ng mga sumasakit ang ulo ay yung mga may gustong magpagana ng Windows apps sa Ubuntu. Sa ganito, talagang mataas ang fail rate kasi yung apps, hindi naman ginawa para sa Linux.
Meron din naman "it just doesn't work" sa Windows. Sa experience ko, yung XP laging nalalaglag sa hidden wireless connection; yung Vista, hindi talaga siya maka-connect kung yung wireless network ay hidden. Ang sabi sa mga forum na pinuntahan ko, gawin na lang daw visible yung wireless network kasi wala naman talagang security na naibibigay ang hidden. Naiintindihan ko yun, pero bakit yung network setup ko ang kailangang magbigay dun sa OS, diba? Samantalang wala naman problema sa Linux at dun sa kaisa-isang Mac user na bumisita sa bahay.
Anyway, point is, bawat sistema ay may kaniya-kaniyang pagkukulang at kagandahan. May mga pagkukulang ang Ubuntu (o Linux in general), pero sa akin, yun ang mga alam kong ayusin. Yung mga pagkukulang ng Windows, hindi ko alam ayusin kaya hindi Windows ang ginagamit ko.
:D
punto por punto sir +1 ka dyan:guitar:
Ravskie
April 29th, 2010, 04:13 AM
all is well said and it so true for me..... nakaka-umay na po kasi I always want alternatives and it is also good learning experience to me everyday may natututunan ako.....!!!!
UBUNTU LINUX Rocks !!!!! :guitar:
ragadanga63
April 29th, 2010, 10:29 AM
Because I was so pi&&ed off when MS refused activation of my XP after a motherboard change (as it turned out, my license was OEM). From then on, I promised myself to get rid of Windows sooner or later.
The more I learned about Linux, the more I fell in love with it. It's secure, versatile (I remastered a Puppy LiveCd and used it to fix Windows PC's) and fast depending upon the distribution one is using.
I was once asked by an American customer if my PC was dual core because it was faster than his new laptop. My PC was an 800MHz Pentium 3, 512 MB RAM, 32MB antique video card running on Linux Puppy K-9 puplet.
Kaya, I'm a Linux fan for life.
Nhatz
April 29th, 2010, 10:03 PM
Ako.... para ASTIG!!! mas madal;i kasi magsetup ng server pag Linux ang gamit mo. pero nung una out of curiousity lang pero nasanay nako then meron kaming Linux Administration na subject walang marunong magturo.. kaya ayun....dumikit na sa sistema ko ang Linux.
ASTIG!!! :guitar:
itagomo
April 30th, 2010, 04:42 AM
bakit linux? libre kasi...:P
onga. Sumusubuk lang aku ng iba para sa programing, pati puppy linux panalo din!
darkzlayer
May 1st, 2010, 12:19 AM
1. libre
2. stable
3. virus free = maintenance free
4. lahat ng software na kailangan ko andito na for free
5. excellent technical support
6. educational
7. astig mga gumagamit nito.. :P
8. gusto ko rin maging astig.
9. talagang ok na ok xa.
10. :guitar:
@ #7 - 9 :lolflag:
phpadik
May 1st, 2010, 07:04 AM
Bakit ako nagliLinux, specifically Ubuntu. (bow)
1. Libre
2. Andaling maginstall ng software
3. Walang virus
4. Pwedeng ipatakbo sa LiveCD kung may problema
5. Simple
Nadiskubre ko ang Ubuntu noong naghahanap ako ng Linux distro na magandang subukan. Marami akong nabasang magandang review sa Ubuntu. Tapos nagulat ako sa ShipIt. Akala ko joketime lang yun pero natuwa ako nung dumating sa GenSan ang CD ko. :O
What pushed me to install Linux? Yung LiveCD na dumating sa bahay. Pero di ko pa yun sineryoso kasi dialup user pa ako noon at walang libre na open-source o proprietary driver para sa aking modem. August 2008 ko na sineryoso uli si Ubuntu.
Script Warlock
May 2nd, 2010, 03:51 AM
@ #7 - 9 :lolflag:
ahahha par kayong teh-ehm astig...
OnesimusUnbound
May 5th, 2010, 12:55 AM
1. You own your linux and other free OS. Unlike windows na leased lang.
2. Configurable. You control what is installed. You can remove if you do not like it.
3. More secure OS. Open ang development process at free pa ang software.
4. Mallit ang nacoconsume na disk space at mabilis pa.
Therefore, I'm never bored with Linux due to possiblities na pwede ko gawin. I guess that's it. ;)
kilosan
May 5th, 2010, 10:52 PM
http://img532.imageshack.us/img532/7524/pic05060221410005.jpg
Kasi sila ito ang gamit.
loell
May 6th, 2010, 04:15 AM
Parang Ubuntu pa ang magiging taga-pagligtas ng ating halalan. :)
Script Warlock
May 6th, 2010, 04:49 AM
http://img532.imageshack.us/img532/7524/pic05060221410005.jpg
Kasi sila ito ang gamit.
anong ginagawa nila sa ubuntu? ano yang sinasaksak minidisk?
nerdtron
May 6th, 2010, 07:01 AM
Tama po! Yan ay mga Compact Flash Cards w/c contains the configuration files and settings needed by PCOS to correctly READ and COUNT our ballots! Yehey Ubuntu!
Ravskie
May 7th, 2010, 12:29 AM
http://img532.imageshack.us/img532/7524/pic05060221410005.jpg
Kasi sila ito ang gamit.
Way to go ubuntu !!!!!
ysNoi
May 7th, 2010, 12:49 AM
Basta maganda ang Linux...! Lalo Ubuntu...!
vhinz
May 7th, 2010, 05:01 AM
Used to use (and promote through installation to friends' and relatives' pc) pirated copies. When I worked, I slowly turned into a freebie junkie (atleast it's legal) using OOo. I have tried to use linux before pero it did not work.
Now, I'm a happy Ubuntu user...less virus, great eye-candy, it just works for me.
jaceleon
May 7th, 2010, 03:42 PM
Once upon a time, me isang bantay sa internet cafe na nabuwisit kung bakit for the umptienth time e pinasok ng malware ang server na gamit niya. So nag-aral siya sa google kung ano ang mga solutions para hindi na siya mabuwisit forever sa PC. Isang forum ang nabasa niya, at joke pa ang pagkakasabi na "Use Linux". Eto namang si bantay, niresearch ang Linux. At nagpop-out ang Ubuntu. Nagtry siya mag DL. That time, Jaunty is the newest.
Hindi siya nag-install agad. He used VMWare then use the LiveCD. Okay sa alright ang Ubuntu. It hit the showers, big time! So he try to really burn the disc, and install it sa isang ancient PC na kakalat-kalat sa bahay ng amo niya (Trivia: Mahilig siya tumira ng kakalat-kalat:lolflag:). Poof! Ambilis talaga, in fact, mas mabilis pa sa Windows PC sa cafe! And hindi ito napapasok ng viruses na nagkalat sa network ng PC shop na pinagtatrabahuhan niya. Nakita rin niya na super customizable ang Ubuntu (linux in general) at hilig niya rin ang total customizing ng OS.
Using that, he purged all viruses on the network. And prinomote ang ancient PC with Jaunty to become the second server.
Ayun, nalulong ang bantay sa open source. Isip niya, need ng utak niya mag-aral pa. So tinuloy-tuloy ang paggamit sa Ubuntu. He also tried other distros. And he became a bit wiser on computers.
Ayun, pinang-iinstall niya ung Ubuntu sa mga nagpapagawa ng PC na mahilig lang mag-browsing, packaged with his hardware-fixing service. And proudly, walang bumalik para magreklamo. Lahat happy sa Ubuntu.
Sa ngayon, ang bantay na yun, eto, naglalaro ng script ng conky at tint2. And nakahiligan din niya ang openbox kaysa sa GNOME, KDE, LXDE at XFCE. At ngayon, he even installed it permanently on a USB, para me sarili siyang system. And he even managed to make his whole family partly converted to Ubuntu. Wala sila masabi. Windows is still there for their favorite game, SIMS 2, yun lang. Nagawa rin niyang iinstall ang Ubuntu sa isang company na may 38 PC, and he is their current part-time maintainer and he earns from it aside pa sa work niya.
Ubuntu really changed his life. And he still has a lot to learn on it.
Lesson of the story: Ubuntu can be life-changing, kalog, astig, geeky and fun at the same time.
:lolflag:
Okay tama na story-telling ng lolo niyo. Sleep pa me.
vhinz
May 7th, 2010, 06:08 PM
curious lang po kung sino kaya itong si bantay. buti naikwento kay jaceleon kung story nya :lolflag: Joke lang po ):P
Astig naman kwento mo..jaceleon...u rock :guitar:
echo2knight
May 7th, 2010, 07:58 PM

Nice story dude!
Para di OT, here are my reasons:
1. viruses and malwares are very minimal if not non-existent;
2. less maintenance compared to M$ windoze, defragging your drive and registry frequently, to keep it in tip-top shape;
3. M$ windoze are very bloated and system hungry, makes your newly purchased system, "jurassic" in a few months;
4. I use laptops for mobility, it defeats the purpose if I can't readily print my work, wherever and whenever I need to, gone are the days shuffling cds to install the printer driver and most drivers for that matter;
5. and lastly. PARA MAIBA NAMAN!
nerdtron
July 12th, 2010, 01:28 AM
Ok lang bang itaas to? Madami naman bagong members e... :D
nakama1925
July 13th, 2010, 06:17 AM
Teka bakit nga ba?...
Ah alam ko na,
Una kasi curiosity.
My nakita kasi akong movie clip sa youtube na ang title eh Ubuntu vs. Win7.
Namangha ako sa 3D desktop ni Ubuntu using Compiz Fusion.
Sabi ko sa sarili "Mukang cool ito ah masubukan nga", then i try to install Ubuntu using Wubi atleast kung di ko man magustuhan eh madali kong tabggalin.
At ayon, dahil sa katatanong kay google at kababasa sa forum ng Ubuntu at How To nakilala ko naman si Mac4Lin, mahilig rin kasi ako magcustomize ng desktop katunayan yung dati kong WinXP eh mukang OSX.
Pangalawa, katulad nga ng rason ng karamihan Ubuntu (Linux in General) ay talaga namang virus free.
Ikatlo, tulad rin ng sabi ng nakararami "Libre". Pwede mong idownload at pwede rin namang ipadala sa bahay mo.
Nabiro ko nga yung isang kaibigan ko na bumilli ng Windoze produk "ayos yung nabili mong OS daming package pati virus kasama,hehe". (Kaibigan ko kaya hindi nagalit)
Ikaapat, pagiging "Kakaiba". Kapag Ubuntu (linux) user ka kasi parang kakaiba ang tingin nila sayo kumbaga ASTIG ka. May mga kaibigan nga ako na nakikigamit PC ko namamangha sila tapos ayun mga gusto ganun rin mga PC nila so dagdag Ubuntu user na naman.
At siguro napakarami ko pang rason kung bakit napili ko si Linux di ko na lang masabi.
Sabi nga ni zeroseven0183 (http://ubuntuforums.org/member.php?u=678032) "I'm glad to have a home that doesn't have Windows and Gates. I feel so secured! How about you?"
In the end, ayon inayawan ko rin si WUBI.
Tinanggal ko si Windows.
Ininstall ko Ubuntu 10.04 and now im secured.
:guitar:Rock n' Roll!!!
ventehxieteh
July 14th, 2010, 09:12 PM
maganda ang UI ng ubuntu. tapos virus free, free yung os ang apps tsaka para maiba naman. Ubuntu is the way to go kung di ka gamer
Dyimz
July 16th, 2010, 12:37 PM
Bakit po Linux ang pinili nyonng OS para sa computer nyo?
1) Free
2) Free from viruses and spywares
3) ung core solo kong laptop, parang i-series sa bilis pag ubuntu ang gamit ^_^
4) free yung mga kasamang softwares
And pano nyo po nadiscover ang Ubuntu?
sa una kong work, kaso hindi ko pinansin yung ubuntu nun...nung bumibigat na sa system ko yung windows, tska ko naalala yung ubuntu, triny ko, naging masaya naman ako sa linux, though naka dual boot pa din ako sa windows
What pushed you to install Linux?
Unang una, yung windows my bayad, pati halos yung software dun may bayad...tska ambagal talaga compared sa linux
sencen
July 16th, 2010, 03:20 PM
well, my computer used to run windows when i decided to reformat it. kaya lang it would crash everytime i install the os so naisip ko hindi naman pwedeng gumamit ako ng mac kasi hindi mac ang laptop ko. so naisip ko yung linux kasi nga it's free. it's when i tried ubuntu for the very first time and then got hooked.
i have tried several distros at first to see which will suite me best. i started with xubuntu but then it went too heavy on my laptop so i tried puppy but then di ko masyadong nagustuhan. i tried dreamlinux and sticked to it for quite a while until naka-download ako ng lubuntu after few weeks of staying with dreamlinux. i got a little problem with lubuntu so i tried installing xubuntu again but this time, i installed lxde with it. until now yun pa din ang gamit ko. i think i'll be sticking with this set up for a long time.
my laptop is pretty old and slow. upgradeable pa naman ang ram but then wala pang money to get those parts for upgrade. with linux, i was actually surprised na ganun kabilis ang os. very noticeable ang difference with windows. i think i'll be sticking with this for like forever lalo na i was able to run photoshop. there's no reason going back to windows since the only reason i use windows is the available applications for it.
i'm loving linux.
stupidongpinoy
July 17th, 2010, 02:41 PM
- fast
- virus-free
- maintainance-less
- free
- highly-customizable
- has a linux version ng mga palagi kong ginagamit na windows apps or may best alternatives
- mas gwapo tignan sa public place dahil they know you are secured
- ang cute ng login ng ubuntu 10.4 kasi face ko nakalagay hehehehe
- pag tinotoyo at ayaw pagalaw sa iba tong laptop ko, madali baguhin ang interface na ako lang talaga ang makakagamit
- lastly, mas ok ang support ng linux kaysa windows
charlie_barkin
July 19th, 2010, 01:05 AM
for me ubuntu linux is the most easiest, the most reliable and the most stable OS in the planet today. although there are some bugs, they can be fix by the community who use and improve ubuntu. and its free and open source. thats why is easy for linux users to understand.
nirvblakr
July 20th, 2010, 10:31 AM
I was just influenced by my brother who is a die hard Linux fan. Considering he is residing in the States but he was giving me all the tech support he could give just to convert me to Linux. I started Ubuntu Hardy Heron and found it was good. Marami rami din nagastos ko sa Skype but it was well worth it. Good thing I found this community to help me out with the OS. Dami pa rin akong di alam.
No antivirus needed which is what I always hate in Windows coz it slows down the system. In Windows, maswerte ng umabot ako ng 6 months na di nagrereformat. In Linux, I was using it over a year and hindi pa rin ako nagrereformat at di bumabagal ang system ko even if I load it with tons of apps and programs. In windows pag bumabagal, di mo alam kung may virus, malware, spyware, or dahil lang sa puno ng programs ang system mo.
Linux dami ding flavors and gusto mong subukan lahat. So far, I am using Linux Mint Isadora for my desktop and Ubuntu Netbook Remix 10.04 for my netbook.
Tried MAC OSX pero masyadong maarte and proprietary kaya Linux parin. :D
adgaps
August 7th, 2010, 08:06 AM
how i met ubuntu :D
bakasyon. bored na bored ako sa pagbabantay sa shop.
i want to try out some really enjoyable things na makakapawi ng kabagutan ko...
when suddenly, i remembered something: a few years back, my uncle, who is a computer teacher sidelining as technician, and who taught me a lot about computers, once talked about something called "linux"..
no, not a game... i believe it's a sort of windows alternative..
so, kinonsulta ko ang best friend ko: si google. what in the world is linux??
then i found the answer: it's a free and open source operating system, with better security than windows, and with quite a few "incompatibilities" with windows programs (without WINE, of course)...
then, i was shocked: what in the world are distros?! akala ko pag sinabing linux, isang os lang yun.. ang dami pala?!
anyway, some more research.. i discovered ubuntu, the "most user friendly", and recommended for beginners... so i tried it out.. with a live usb..
it's been almost 3 months already... and i've gotten used to ubuntu... okay na okay...
full switch? saka na muna... need to think about it first...
now, bakit ako gumagamit ng linux? yun nga, sinubukan ko, nagustuhan ko... looks great..
saka para unique ako sa typical PC users... hehe....
JCyberinux
September 20th, 2010, 04:31 AM
1. nahihilig na akong magbasa ng thread / topics sa ubuntu ph.
2. miyembro ako ng ubuntu
3. crush ko ito gamit
4. sawa na kong maging cute. gusto ko maging gwapo.
5. ayoko na nakulong sa may bahay na may bintana... gusto ko na malay akong nakakalabas.
6. nandito lahat ng tools, free apps, naginagamit ko sa pag-develop ng software at ng system.
7. kapag may problem, isang bala ng livecd or ng usb flashdrive.
8. hindi kailangan ng yakult or ng pang-purga walang bulate sa ubuntu...
9. walang epal sa buhay mo kaw bahala sa gusto mong mangyari
10. sa na-unang ko mga nasabi..... e UBUNTU gamit ko e....
fatboy07
September 20th, 2010, 05:06 AM
nahighblood ako sa Windows! nag ok BP ko sa Ubuntu!
Jinxzs
September 22nd, 2010, 02:10 AM
cute tignan e.....
neehs
September 24th, 2010, 02:49 AM
ang bilis kasi mag boot ^,^'v
mr.xulu
September 24th, 2010, 06:58 AM
My History with Linux (it's a long story)
- Una kong nabasa Linux nung mid '90s pa when Linus Torvalds was featured in Time magazine. Impressed ako sa ginawa niya.
- curious na ko sa linux simula nun but wala ako alam pano siya masubukan.
- early 2000's tinanong ko friend ko, my go-to guy for problems with computers, sabi ko gusto ko subukan linux. Sabi lang niya sa akin "siga ka?" So that was that. :)
- last year nagpapareformat ako ng computer ko tinanong ko yung guy na gumagawa kung may alam siya sa linux and if he's tried it. Sabi niya yes and parang windows 3.1 daw(peace man!). He also mentioned na pinaka popular "version" (di ko alam ang word na distro last year) was Ubuntu.
- so simula na ako magbasa ng linux/ubuntu sites and reviews mula noon.
- more than a month ago sabi ng pinsan ko subukan ang DSL. tried it using Qemu sa windows pero di ako happy.
- finally nag download ako lucid lynx about 3 weeks ago. na install ko as dual boot after feeling confident na kaya ko siya ihandle (hindi kasi ako programmer/developer at walang command line experience at all 'til now). Malaki tulong ng Ubuntu website! pendrivelinux malaking tulong din. Mas marami akong natutunan tungkol sa computers itong past month than sa buong mahigit kumulang na seventeen years kong paggamit mg pc's.
- ang nagustuhan ko sa ubuntu/linux is that it's free, magaan sa system, it's a complete package, mabilis and boot up/shut down and so far walang problemA sa viruses.
- Plus, ubuntu lang ang nakita kong linux distro sa internet na may organized Philippine Team. :)
11cerealkiller26
September 24th, 2010, 11:10 PM
Hmmm.. why linux.. because it's free..no need to pay any single penny for license. next is out of the box software installed.. safe from viruses. safe for daily computing... plenty of FOSS... doesn't require a high spec machine. i've been using ubuntu linux since 6.10 that's the reason why i chose Linux...
maxwell23
September 27th, 2010, 01:22 PM
well because of the security it gives me, not much users uses this OS and id like to learn something new, buti nlng nagka SFD samin d2 sa Baguio at dun ako na push para gumamit nito :)
jtweaker
September 29th, 2010, 04:30 AM
mas flexible para sakin ang linux. Sa Windows and daming restrictions plus you get to be really techy sa linux and that's because hindi lahat automated unlike sa Windows. You get to know new knowledge about softwares,kernels,dependencies and all that compose the OS plus it's completely FREE and hindi pa hassle iinstall. At the end of the day, linux makes you a better man :)
topet2k12001
October 7th, 2010, 07:50 PM
Bakit po Linux ang pinili nyonng OS para sa computer nyo?
And pano nyo po nadiscover ang Ubuntu?
What pushed you to install Linux?
:p
I discovered this at work, one of my officemates showed me some videos from YouTube about Ubuntu with Compiz Fusion. So I got curious and tried it at home. In my first month I didn't touch it, but I tried again and quickly got hooked into it. :) I'm still using Windows kasi required sa work, pero for every opportunity na hindi gagamit ng Windows, Ubuntu ang gamit ko. :)
jeffreyvergara.NET
October 9th, 2010, 01:39 PM
nalimutan ko na kung pano ko na discover ang ubuntu, pero before ng ubuntu na may mga na try narin akong ibang distro like linspire at bayanihan linux super wala pa ako alam sa linux nung mga time na yun. dati ang dami mamigay ng ubuntu ng Free CDs kumuha ako dati ng box box na mga CD tapos pinamimigay ko sa school namin. favorite release ko ng ubuntu is 5.10 and ung dekstop case ko pinaint ko ng color brown tapos may ubuntu sticker...
pero kung bakit ko nagustuhan ang Linux... Hirap muna bago ang sarap. hahaha
WarGaleon
October 10th, 2010, 04:34 AM
Ako naman, nagsisearch lang ako kung may alternative para sa Photoshop, tapos nakita ko yung GIMP, tapos nabasa ko yung tungkol sa Linux mula sa Wikipedia article ng GIMP.
Sinubukan kong magsearch kung paano i-install yung Debian GNU/Linux, kaso 'di ko madownload dahil sa internet shop lang ako nagdownload. Sunod ay sinubukan ko yung Puppy Linux at natuwa ako kasi mas mabilis siya sa Windows saka kahit CD lang pwede.
Nang sumunod na taon, nalaman ko sa schoolmate ko na may kilala daw siyang Linux ang gamit kaya nasubukan ko yung Ubuntu. Mula noon sinubukan kong mag-download ng Ubuntu na mas bagong version (Jaunty noon) kaso nagkamali ako ng download kaya Kubuntu nakuha ko. Nagulat ako sa design ng Kubuntu kasi ang ganda kumpara sa Windows XP. Kaso mabagal (Pentium 3 kasi na 128mb lang ang RAM) kaya tiningnan ko naman un Xubuntu. Nung nagkaroon ako dagdag na RAM, sinubukan ko naman yung Ubuntu. Hanggang ngayon ito gamit ko.
Yung mga gusto ko sa Linux:
1. Walang virus
2. Completely Free, hindi nakakakonsyensyang gamitin :P
3. Mabilis magboot at shutdown, minsan sa Windows nakatulog ako :confused:
4. Free (libre at malaya) ang software
5. Madali ma-customize
6. Systematic yung file system, sa Windows kung saan-saan nakainstall yung files
7. Pwede mag-open ng maraming program na hindi masyadong bumabagal ang computer, sa Windows ko noon 'pag puno na ang taskbar nagha-hang
8. Madaming software para sa programming
9. Hindi mo kailangan ng maraming drivers, kalimitan gumagana agad yung mga device
10. Mas maganda yung effects (at least compared sa Windows XP, 'di ko natry ung sa Windows Vista/7)
11. Mas mababa yung specs (compared sa Windows Vista/7)
12. Gumagana yung lumang hardware (walang driver ang lumang video cards at iba pang hardware sa Windows Vista/7)
13. Pwedeng malaman kung paano gumagana yung operating system mo
14. Madaling mag-install ng software, kapag may package na, sa Windows daming ganito at ganyan
15. Minsan lang magloko, at madaling ayusin
16. Mas mabilis yung media player kaysa Windows Media Player
17. Gumagana kahit sa CD lang
18. Hindi bumabagal patagal nang patagal, 'di na kailangang magreformat
19. Portable, kahit anong computer pwede isaksak ang hard drive :P
20. Marami pang iba...
ronsahagun
October 11th, 2010, 01:20 AM
Ubuntu Linux na ang gamit ko ngayon kasi sawa nako sa Windows XP! Tska di ko pa kayang bumili ng mabilis na computer, so Linux ang ginamit ko, nabasa ko na mas mabilis to eh, tska mas customizable. Di ko lang alam kung ok na to para sa gaming. Parang Windows pa rin ata ang winner pag dating sa gaming eh. Ano sa tingin nyo?
jmazaredo
October 16th, 2010, 08:54 AM
Linux kasi konti lang nag lilinux marami nag mimicrosoft :P
Pero parehas ko sila ginagamit sa totoong buhay server pag linux windows pag games
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2012, vBulletin Solutions, Inc.