PDA

View Full Version : KahelOS


linuxforpinoy
October 4th, 2009, 03:28 AM
Wala na rin akong gaanong balita. pero nabasa mo na ba yong bagong pinoy distro? Kahel OS Desktop? It's making waves. Tried it. galing ang biles. gnome din pero ang base arch.

d3ng@i I searched for KahelOS , Unfortunately , I saw this link

http://bbs.archlinux.org/viewtopic.php?id=80006.

And the way i looked at it, its another ripped off. Its all marketing blah blah. KahelOS development team even changed the original author and even uses the repo of arch without giving due credit first to the real authors of Arch. The problem, nadamay ang pinoy opensource community, they think that we are bunch of copycats. The KahelOS team could have done better and carefully studied it before finally releasing it.

well, yeah, everybody should give credit to whom it is due, though I don't think the whole Pinoy opensource community's reputation is being hit by their carelessness, let's just see how they can differentiate themselves from other distros in the long run. that, if they are really serious about the spin-off.

Naging excited lang siguro magrelease yung maintainers :P

Ang masama niyan kung intention nilang itago yung credits. :(

Nhatz
October 4th, 2009, 06:17 AM
well, yeah, everybody should give credit to whom it is due, though I don't think the whole Pinoy opensource community's reputation is being hit by their carelessness, let's just see how they can differentiate themselves from other distros in the long run. that, if they are really serious about the spin-off.

Isang malaking KORAK!!!

ASTIG!!! :guitar:

ragadanga63
October 4th, 2009, 11:06 PM
d3ng@i I searched for KahelOS , Unfortunately , I saw this link

http://bbs.archlinux.org/viewtopic.php?id=80006.

And the way i looked at it, its another ripped off. Its all marketing blah blah. KahelOS development team even changed the original author and even uses the repo of arch without giving due credit first to the real authors of Arch. The problem, nadamay ang pinoy opensource community, they think that we are bunch of copycats. The KahelOS team could have done better and carefully studied it before finally releasing it.

This one's really tragic.

sixrodriguez
October 4th, 2009, 11:41 PM
Parang martilyo po, mayroong martilyo ang isang tao, ginamit niya - ok. Nakapako siya.

Ngayon, mayroon pang isang salesman na nagtitinda na naman ng martilyo - Pero libre - tapos mas matibay daw, mas maganda daw, mas secure daw - pero kailangan pang magbasa nung tao ng manual, pagaralan kung paano gumana yung martilyo- kamot ng ulo yung tao,

"May martilyo na ako e."


Parang martilyo ulit. May martilyo kang libre. Pwede mong ipamigay pwede mong ibenta. Pero pag ibebenta mo second hand na, mura na. So anong gagawin mo?

Di ba mas mabuti pang magcarpenter ka na lang gamit yung martilyo at gumawa ka ng aparador, mesa, upuan. Mas malaki pa ang kikitain mo.

In short ang GNU/Linux at code ay ang martilyo - pano mo ibebenta ito kung libre ang bigay ng iba? Mahirap.

Pero kikita ka kung gagamitin mo ito sa iba't ibang bagay, pag web design, pagtayo ng internet cafe, pag program ng database ng BIR para mas madali nilang singilin ang mga taong naghahanap buhay ng maayos, pag gawa ng pelikula, pag edit ng litrato na kinuha mo dahil potograper ka, etc. etc.

Ang selling point ng Bayanihan Linux sa tingin ko lang e:
1. Government - implementation and technical support
2. Education - implementation and technical support
3. General public - dahil napaka - easy ng deployment nito.

Quote: -----------------------------------------------------------------------------------------



aprub!!! basta anjan lang kayo para sa walang sawang pagtuturo sa amin mga baguhan sa Linux......

Mabuhay kayo!!!

More power Ubuntu Ph!!!

dodimar
October 5th, 2009, 01:25 AM
Naging excited lang siguro magrelease yung maintainers :P

Ang masama niyan kung intention nilang itago yung credits. :(

I think ang pagkaunawa nila sa FOSS ay "do whatever you want". reading the forum posted above, they insist they didn't changed the Copyright wherein kitang-kita naman na binago.

linuxforpinoy
October 5th, 2009, 04:32 AM
There is nothing wrong making money using open source solutions, in fact, there are so many companies offering opensource solution because of its cost effectiveness, stability and efficiency. But let us not forget that there are people who gave countless hours to develop these FOSS's and the least thing that we could do is to acknowledge them for their ingenuity and dedication. Kahel OS may be great in some extent because it already has add-ons. But its just like a car that you bought then put some accessories then re-brand it and sell it as if you are the one who engineered and invented it. Just my two thousand cents.

d3ng@i
October 5th, 2009, 12:44 PM
Mga katoto, kababayan, ka-linux... pasensya na't di ako agad nakasagot sa inyong mga katanungan at magbigay ng aking opinyon sa mga kuro-kuro kaugnay sa mga isyus patungkol sa KahelOS dahil sa kasagsagan ng sakuna (tumulong kasi kami sa pamamagitan ng IT) pasensya na rin at mas nanaisin kong magsulat sa sariling atin sa personal na kadahilanan... tsaka mahaba-haba ito.

May mga isyu akong nabasa at napulot sa haba ng messages na ito... Yong iba'y mauunawaan ko kung bat nila nasabi ito dahil mas malamang sa hindi ay hindi nila nabasa ang source code ng KahelOS, ikanga'y spekulasyon. Magkahalo ang aking nararamdaman.. masaya at nagkaroon ng kuro-kuro, ngunit malungkot dahil di naging objetibo ang mangilan sa pagbibigay ng kuro-kuro.

Napikit kaya kayo sandali at natanong nyo kaya sa sarili nyo kung bakit i-po-post ng KahelOS Team ang artikulong iyon, kung bagay na kailangan nilang itagong ito ay base sa Arch Linux? Ano ang intensyon nila sa inyong palagay?

@creek23 - kung intensyong itago ang credits ng KahelOS Team, nabisita nyo na ba ang website nila. http://kahelos.org (tadtad nga ng arch linux yong website e, ano pa bang credit ang gusto nila at ninyo?) at ang kanilang forum - http://kahelos.org/forum/ na ilang mga di pinoy ang kasama na rin at syang sumasagot sa mga tanong ng mga nagsisimulang gumamit ng OS na ito. Marami pang puwedeng ispekulasyon, di lang kailangang lumukso at lumundag sa malisyosong pag-iisip.

@dodimar - "do whatever you want" - I strongly suggest that you read GPL at namnamin natin lalo nat kung nais nating bumuo ng mga application na hango sa mga nauna nang linux distro o application.

@linuxforpinoy, ragadanga63 - tulad ng mga aleman at pranses at mga dayuhang yumurak at naging malisyosong magbigay ng "mala-libelong" ripped off ito o hindi nagbigay ng pagpapahalaga sa arch linux etcetera, ito yong mga taong nagbigay agad ng pananaw at opinyon na hindi man lang binasa ang source code ng KahelOS (kanya nga ng nabaa na noong iba ang source code, nanahimik na). sa mga marunong bumasa ng source code, puwede nyong i-download ito sa git: git clone git://github.com/joelbryan/Kahel-OS-Desktop.git

Sabi nga ng isang author:

We do not strip your copyright information, if you truely solely believe that you own Archlinux and we cannot be based on a GPL project such as arch, you can cat into /etc/rc.sysinit, which contains the following lines.

printhl "Arch Linux\n"
printhl "${C_H2}http://www.archlinux.org"
printhl "Copyright 2002-2007 Judd Vinet"
printhl "Copyright 2007-2009 Aaron Griffin"
printhl "Distributed under the GNU General Public License (GPL)"
printsep

also you can md5sums this file, along with the files in /usr/share/licenses/ and compare it with the original if your in doubt.


@loell @nhatz - may mga salita kang nabanggit gaya ng carelessness at "pinoy open source reputation", sana kilalanin nyo muna yong mga authors at yong mga proponents kung anong reputasyong meron sila at mga kontribusyong naibigay nito sa open source community bago mo sabihin ang mga katagang iyan... alam nyo ba na ang isa sa author ng KahelOS ay nagbahagi ng maraming GTK applications sa Ubuntu na ginagamit natin? Alam nyo din ba na isa rin sa author nito ang nagsusulong ng Open Source sa FOSS Bill bilang consultant at nagsusulong sa mga malalaking players ng IT sa Pilipinas at nirerespeto din ng ibang lahi dahil sa kanyang kontribusyon gamit ang linux?

Di lang kasi maaangas at maiingay sa pansarili ang mga taong iyan. Gusto nilang itaas gaya nyo ang antas ng Pilipino sa pamamagitan ng IT/ ng LInux, na innovators ang mga Pinoy, di lang taga download at "users". Na kahit mga geeks sila at kayang gumamit ng linux sa console ay kailangan nilang ipamahagi ito sa nakakarami lalo na sa mga estudyanteng Pilipino. Na hindi nila kailangang pondohan muna ng gobyerrno o ninumang ahensya upang makapag-iinovate at mapakagbahagi sa kapwa Pilipino.

Eto lang ang masasabi ko, ang PIlosopiya ng KahelOS ay nakatuon at base sa paniniwalang, lahat ay may pinagmumulan at "evolving" ... itinanong din ng mga proponents/authors ng KahelOS kung ayaw ba nilang ipagamit ang arch, ngunit alam nilang taliwas ito sa GPL kung hindi nila ito ipagagamit, sa bandang huli tinanggap na rin nila at tinawag na bagong distro ang KahelOS. Di kasi matanggap ng ilan sa kanila na pinoy ang nakadale ng proyektong ganito... at kung pinoy kang kayang unawain ito, di ka lang basta pinoy, kundi pinoy kang naniniwalang may ibubuga tayo sa larangan ng IT. Alam din naman nyo siguro na ang arch ay nagmula sa crux, so isa din itong application na derived. check nyo rin yong ibang derivative ng arch... tapos alamin nyo rin yong history ng ubuntu na di naging maganda din ang unang naging relasyon ng debian at ubuntu.

Ako nga noong nabasa ko yong thread imbes na mainis ako e natuwa ako... alam nyo ba kung bakit? E kasi, hindi naman magtatatalak at hahaba ng ganoon ang thread ng forum kung walang binabatbat ang proyektong Kahel at ang coding standards at tikas sa code... kung pangit kasi iyon, nuncang pansinin iyong nga mga taga arch, lalo na noong mga hard core ikanga.

Basta ang masasabi ko, huwag tayong magiging selective sa mga nababasa natin at basta na lang tatanggapin ang mga opinyon at kuro-kuro (may sarili tayong mga pag-iisip at katinuan). magbasa ng maigi, mag research, mag-analisa bago magbigay ng opinyon.

Ako bilang KahelOS user ay nagpapasalamat sa Arch dahi lsa inspirasyon nila sa mga author ng KahelOS at masasabi ko rin sa iba sa kanila na nakaisip gumawa ng ganito pero naunahan, e pasensya na sila. :-)

Salamat mga kababayan. Tuloy lang tayo sa pagsulong nga bayan sa pamamagitan ng innobasyon at pagpapahalaga... suportahan natin ang atin, tapos pag may mga pangit contribute tayo don sa forum nila... kasi don lang nila malalaman kung ano pa ang kulang... magmula noong ini-launch ito noong september 9, nakakahigit 1,380 ng downloads sa sourceforge. bukod pa sa mga libreng cdng ipinamahagi nila. (di sila kumikita dito gaya ng mga haka-haka ng iba).

peace mga katoto.. salamat sa inyo.

d3ng@i
October 5th, 2009, 12:55 PM
Pahabol Sabi:

dagdag ko lang mga katoto, kababayan, ka-linux... pakibasa na lang itong link na ito:

http://www.kahelos.org/newsdetails.php?newsid=35

salamat muli.

loell
October 5th, 2009, 06:20 PM
@loell @nhatz - may mga salita kang nabanggit gaya ng carelessness at "pinoy open source reputation", sana kilalanin nyo muna yong mga authors at yong mga proponents kung anong reputasyong meron sila at mga kontribusyong naibigay nito sa open source community bago mo sabihin ang mga katagang iyan... alam nyo ba na ang isa sa author ng KahelOS ay nagbahagi ng maraming GTK applications sa Ubuntu na ginagamit natin? Alam nyo din ba na isa rin sa author nito ang nagsusulong ng Open Source sa FOSS Bill bilang consultant at nagsusulong sa mga malalaking players ng IT sa Pilipinas at nirerespeto din ng ibang lahi dahil sa kanyang kontribusyon gamit ang linux?

d3ng, Iniba mo naman yata ang konteksto ng aking sinabi nung binanggit mo lang ang dalawang kataga na parte lang sa aking pangugusap.

"pinoy open source reputation" - "as a whole", "in general", hindi lang iilan na siguro ay nakagawa na ng pangalan.

"carelessness" - sa kontekstong, may pagkakamali naman talaga na nagawa, tulad ng nung una ay hindi nabanggit ang arch sa kahelos website, o ang mag paggamit ng mga kataga na kung gagamitin mo sa isang arch base na distro, ay masasabi ng nakakaalam ay masyadong eksahirado.

at ang lahat ng ito ay maaring nag bago na, habang tayo ay nag-uusap dito. ika nga, "moot point" na rin. kaya nga sinabi ko na lang -

let's just see how they can differentiate themselves from other distros in the long run. that, if they are really serious about the spin-off.

ang mga nagawa na ng kahelos proponents sa nakalipas o maging sa kasalukuyan ay hindi isang lisensya na hindi sila maaring magkamali.


pahabol, si deng at si d3ng ba ay iisa?

_duncan_
October 5th, 2009, 11:20 PM
....
"carelessness" - sa kontekstong, may pagkakamali naman talaga na nagawa, tulad ng nung una ay hindi nabanggit ang arch sa kahelos website, o ang mag paggamit ng mga kataga na kung gagamitin mo sa isang arch base na distro, ay masasabi ng nakakaalam ay masyadong eksahirado.
....

+1

Matagal-tagal na akong gumagamit ng Arch. Masaya ako nang malamang may Kapal, I mean, Kahel OS (sorry for the carelessness) na base sa Arch. Pumunta ako sa website para mag-download at subukan. Kaso, hindi ko na tinuloy matapos mabasa ang mga mapanlinlang na pananalita sa website.

Ang kasinungalingan, kahit nanggaling sa isang taong may pangalan sa larangan ng IT, ay kasinungalingan pa rin.

-------------------

Sana tumulad na lang ang kahel sa chakra project. Simple lang ang mensahe sa kanilang website: Arch + KDE, tapos. So ang kahel, Arch + gnome. Tanggalin na ang mga self-glorifying at misleading statements.

Sa experience ko, imbes na "breathe of fresh air" na nabanggit sa website, puro kabantutan ang nalanghap ko.

Script Warlock
October 6th, 2009, 12:33 AM
siguro maunite lang tayo kung may gyera, lindol o kahit anong sakuna talking of OS hirap talaga dahil na cguro yan sa tagline na "freedom". i doubt may maihirang tayong national OS kung ganito tayo palagi.

@_duncan_ baka pwede gamitan mo ng ibang term for Durian OS..

_duncan_
October 6th, 2009, 01:54 AM
siguro maunite lang tayo kung may gyera, lindol o kahit anong sakuna talking of OS hirap talaga dahil na cguro yan sa tagline na "freedom". i doubt may maihirang tayong national OS kung ganito tayo palagi.

@_duncan_ baka pwede gamitan mo ng ibang term for Durian OS..


Tanggalin ko na lang kung offensive sa mga mahilig sa durian. TY sa suggestion.

linuxforpinoy
October 6th, 2009, 02:24 AM
d3ng@i, matanong ko lang, sa iyong pananalita, parte ka ba ng kahelOS or isa sa mga author?, or kaibigan ng mga author? kung kaibigan ay maiintindihan ko ngunit kung isa ka sa mga proponent o author ay alam ko na din ang dahilan kung bakit ganun ka na lang magdepensa.

Sa aking pananaliksik ay nakita ko ang isang thread na to:

http://www.reddit.com/r/linux/comments/9jzue/doing_it_wrong/.mobile

na yung sinasabi mo kanina na hindi pinalitan ng copyright ay eto ang lumabas:

TITLE="Kahel OS Enterprise Linux (Desktop Edition)\n"
WEBSITE="${C_H2}http://www.kahelos.org"
AUTHOR1="Copyright 2009 Meric Mara"
AUTHOR2="Copyright 2009 Joel Bryan Juliano"

case $1 in
"Arch Linux\n" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${TITLE}${C_CLEAR} \n"
;;
"${C_H2}http://www.archlinux.org" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${WEBSITE}${C_CLEAR} \n"
;;
"Copyright 2002-2007 Judd Vinet" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${AUTHOR1}${C_CLEAR} \n"
;;
"Copyright 2007-2009 Aaron Griffin" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${AUTHOR2}${C_CLEAR} \n"
;;
* ) printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${1}${C_CLEAR} \n"
;;
esac
}
Bakit kelangan pang ilagay ang pangalan ni Meric Mara at Joel Bryan Juliano na kung saan ay naruon din ang orihinal na pangalan ng mga tunay na lumikha?

sa king pananaliksik din, si Meric Mara at Joel Bryan Juliano ay aking natuklasan na sila ay parte ng isang kompanya na www.8layertech.com, ito rin ba ang nasa likod ng paglikha ng KahelOS? kung ang kompanya ngang 8layer technologies ang nasa likod ng paglikha ng KahelOs, tama nga na ang sinabi ng mga taga arch ay ito ay isang Marketing blah blah. At malinaw pa sa sabaw na ang kahelOS ay isa sa produkto ng 8layer technologies.

d3ng@i
October 6th, 2009, 03:06 AM
d3ng@i, matanong ko lang, sa iyong pananalita, parte ka ba ng kahelOS or isa sa mga author?, or kaibigan ng mga author? kung kaibigan ay maiintindihan ko ngunit kung isa ka sa mga proponent o author ay alam ko na din ang dahilan kung bakit ganun ka na lang magdepensa.

Sa aking pananaliksik ay nakita ko ang isang thread na to:

http://www.reddit.com/r/linux/comments/9jzue/doing_it_wrong/.mobile

na yung sinasabi mo kanina na hindi pinalitan ng copyright ay eto ang lumabas:

TITLE="Kahel OS Enterprise Linux (Desktop Edition)\n"
WEBSITE="${C_H2}http://www.kahelos.org"
AUTHOR1="Copyright 2009 Meric Mara"
AUTHOR2="Copyright 2009 Joel Bryan Juliano"

case $1 in
"Arch Linux\n" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${TITLE}${C_CLEAR} \n"
;;
"${C_H2}http://www.archlinux.org" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${WEBSITE}${C_CLEAR} \n"
;;
"Copyright 2002-2007 Judd Vinet" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${AUTHOR1}${C_CLEAR} \n"
;;
"Copyright 2007-2009 Aaron Griffin" )
printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${AUTHOR2}${C_CLEAR} \n"
;;
* ) printf "${C_OTHER}${PREFIX_HL} ${C_H1}${1}${C_CLEAR} \n"
;;
esac
}
Bakit kelangan pang ilagay ang pangalan ni Meric Mara at Joel Bryan Juliano na kung saan ay naruon din ang orihinal na pangalan ng mga tunay na lumikha?

sa king pananaliksik din, si Meric Mara at Joel Bryan Juliano ay aking natuklasan na sila ay parte ng isang kompanya na www.8layertech.com (http://www.8layertech.com), ito rin ba ang nasa likod ng paglikha ng KahelOS? kung ang kompanya ngang 8layer technologies ang nasa likod ng paglikha ng KahelOs, tama nga na ang sinabi ng mga taga arch ay ito ay isang Marketing blah blah. At malinaw pa sa sabaw na ang kahelOS ay isa sa produkto ng 8layer technologies.



@linuxforpinoy:

dagdagan mo pa saliksik mo, malapit na... malapit ka ng tumama :-) at namnamin mong maigi yong thread at pagbabasa ng code... gagaling ka na:-) basahin mo uli yong code galing sa github. get the facts straight from the source... that is what open source and linux is teaching all of us.

doon sa sinasabi mong produkto ng 8layer... alam mo ba yong konsepto ng CSR or Corporate Social Responsibility? at yong tinatawag na Community Project?

Marami sa taga 8layer ay miembro ng kahelos team. ginagamit namin sa 8layer ang kahelos. Ang 8layer ay hindi KahelOS at vice versa. Nagkataon lamang na marami sa amin ang nagbigay ng libreng panahon, talino at pagpapahalaga sa kapwa na ibigay ito ng libre sa lahat lalo na sa mga eskuwelahan. di kami naniningil, libre itong nadodownload at kung may mga CD's pa ay libre rin namin itong ipinamomigay sa kahelos.

Sa mga tanong pa tungkol sa KahelOS, mas bibigyan kita ng paliwanag doon sa forum namin. salamat tol.

d3ng@i
October 6th, 2009, 03:37 AM
@lloel: pasensya na kung may ibang pakiwari ako kamo sa pagkakasulat ng kontekstong nais mong iparating, pero wala namang nagsasabing hindi sila nagkakamali (ano sila Diyos?).. "Evolving nga ang Pilosopiya" ... kung kaya't ang sabi ko pa nga sa ating lahat ay lumahok sa pagbibigay tama/halina sa mga mapupuna upang ito ay gumanda at tugunan ang layon kung bakit ito nagawa at naumpisahan...

@Script Warlock ; sa tono ng mga salita mo tol (nasa B Flat) e di rin kasi ako makikipag-unite sa iyo kasi di ako war freak... para sa akin, di kinakailangang magkaron ng unos, bagyo, sakuna at lalo na ng giyera upang igalang ko o irespeto ang paniniwala, opinyon, relihiyon at may basehang argumento at lalo na ng mga nangangailangan PARA LAMANG MAGKAISA. Kahit ang mga gumagamit ng MS ay nauunawaan ko basta't hindi pirata ang gamit nila, makikipagkaisa pa rin ako sa kanila sa larangan alang alang sa pagkakaisa at pagkatuto ng bansang ito.

Siguro sa mga tanong at mga isyus patungkol sa kahel, sa forum na lang doon natin pag-usapan, sasagot pa rin ako dito pag patungkol sa Ubuntu kasi dati rin naman akong gumamit nito, pero kung tungkol sa kahel, pasintabi na lang tayo sa ubuntu forum.

@_duncan_: Isa sa katangian ko yong di ako palapatol sa duwag. pero sa pagkakataong ito, itinutulak ng prinsipyo ko bilang isang guro na kailangang magsalita upang hindi tularan ng ibang nakababata at lalo nat nagsisimula pa lamang sa linux at open source.

Itinuturo ko kasi sa mga estudyante ko sa Pilosopiya na kung may mga bibitawan kang salita, gaya ng: "Maganda" yong babaeng nakilala ko kagabi. ay kinakailangang, i-substantiate kung bakit nasabi ng isang tao na "maganda" ito... Maaari kasing ang maganda nya ay di maganda sa akin o sa iyo o sa iba....

Gaya rin ng pagkakabit ng mga salitang; MAPANLINLANG AT KASINUNGALINGAN, SELF-GRATIFYING, MISLEADING....

Sa kung sinu ka man na nagsabi nito, di ko na tatanungin sa iyo kung bakit mo nasabi iyan kasi hahaba pa itong usapin na ito. Mahilig kasi ako sa "straighforward" at "frank and brutal facts".

Kung kaya mong panindigan ang mga salitang binitawan mo sa forum na ito... ihain mo ang iyong pagkataot kredibilidad, iyon ang sukatan, kung tayo'y totoo.

Sa mga tao at staff ng 8layer at Kahel, lantad at hubad nilang inihain ang kanilang integridad at pagkatao at uri ng paggawa na di kailangang may presyo. Iginagalang namin lahat ng opinyon sa lahat ng antas, edad at lahi. Bukas naming tinatanggap ang lahat ng komento, suhestiyon, rekomendasyon para sa proyekto. Sino ang nagsabing kailangang may National OS? Ang paggamit at pagtangkilik sa isang Operating System ay hindi isinusubo at ipinipilit. Ito ay parte ng iyong paggawa, pag-aaral at pagkatuto... higit sa lahat kung ikaw ay manggagawa sa larangan ng IT, parte ito ng iyong buhay, araw araw.

O sya... don tayo maghuntahan tungkol sa Kahel OS sa forum...

Muli, matuto tayong mag-substantiate ng mga salita, upang lalong maunawaan at magkaron ng lalim ang ating mga sinasabi. At huwag kalimutan ang aking hamon... ihain mo ang iyong pagkataot kredibilidad na ang Kahel at ang mga tao sa Kahel ay mapanlinlang at sinungaling... doon tayo magtuos.

Script Warlock
October 6th, 2009, 03:47 AM
nabasa ko na,
http://www.reddit.com/r/linux/comments/9jzue/doing_it_wrong/.mobile

kaya pala....... kayo pala yun.......

loell
October 6th, 2009, 03:55 AM
Ito ay pansamantala kong isasarado, habang susubukan kong eme-merge sa isang bagong thread , doon ay manatili itong sarado, at ang nais magpatuloy sa paksang ito, ay sa KahelOS Forum na ipatuloy.

sanay maunawaan ng lahat ng panig ang desisyong ito.

Maraming salamat.. :)

loell
October 6th, 2009, 07:05 PM
notice: the intent of moving these posts to another thread is to make the topics more organize and transparent, but apperently for some weird reason, some posts didn't come up, and the former thread "Bayanihan Linux" seem to disappear, I will be looking at this issue whenever there is ample time.

This thread will still remain close as previously stated, and will only serve as archive.